Monday, November 7, 2022

Kuwento ng Biyahe ni Senior Rider mula Morong Rizal hanggang Daraga Albay

Wheels of Happiness


Naimbitahan ako at nakumbinsi na sumali sa 400 km padyakan (bike ride) mula sa Morong Rizal hanggang Cagsawa ruins sa Daraga Albay para maging bahagi ng isang documentary ng isang TV program na 23 gulang na sa industriya

Ang tema ng padyak ay JOURNEY.   Tatlong kuwento:   
1.  Isa si Kuya Reineir isang elelctrician ng muni golf link sa Intramuros na umuuwi minsan sa 3 buwan sa Daraga para makapiling ang mahal sa buhay
2.  Ang TV host ay dadalawin sa Pilar Sorsogon ang namatay niyang iskolar (namatay dahil nabangga ng sasakyan ng isang militar) at makilala ang
     kapatid na pumalit
3.  At si ako.  Gurang na gusto pang may patunayan na Age is but a number

Ang ride ay 3 araw Nob 3,4, 5 at may distancia na humigit kumulang sa 400 na km.  Mahigit na 100 km kada araw.
Day 1  -  Morong hanggang Atimonan
Day 2 -   Atimonan hanggang Naga
Day 3  -   Naga hanggang Cagsawa

Ang ganda nito ay libre lahat hotel at food, hatid sundo sa bahay.  Dahil sa anniversary episode ito, 3 ang support van;  3 video camera 3 go pro,
isang drone.   Suportado na social media:  tiktok at FB, IG

Ang kababayan ni Boy Martin na si Josh Nicdao, researcher ng isang TV station ang talent scout at nadiscubre niya ako sa blog ko at isa daw ako sa
10 napiling sasama sa ride.  Ok lang kung hindi mapili sapagkat kaya ko namang pondohan ang padyak kong ito  At isa pa ensayado ako sa ride sa Jala
Jala, bosoboo at hanggang Pagsanjan,

Sa Nob 19 ang showing ng full video sa GMA 7 i witness

Labis na pasasalamat ko na napili ako sa mahigit na 10 finilter nila.   At labis ang pasasalamat ko na nasama ako

Paano ako nainvolve sa maitururing mong extreme sports:?

1.  Nagsimula akong magserious sa physical fitness nang mamatay ang atang ko ng cancer sa idad na 55 noong 1985,  Tinanong ko ang Dr niya si Dr. Jaurencio Jarin ENT sa Medicall City graduate ng Harvard.   Ang naka display sa office niya ay ang higanteng retrato nang siya ay makatapos ng Boston
Marathon   Ano ang sikreto ng mahabang buhay.  Mag ehersisyo.  Paano ma magsisimula na mag ensayo sa marathon.   

Sagot niya magsiumla ka ng 10 steps, then  11 steps sa susunod na araw hanggang maka 1 kilometro ka, then 2, then 3, then 4 then 5.
Then join ja ng 5 k   Ganon din sa 10 k.

Nakatakbo ako ng maraming 5 k, 10,, 21 k at 42.195.  Fulll marathon  Mga 5 marahil.  Pero ang pagsasanay doon ay mahigit sa 42 k.

2.  Then nag mountain trekking ako.  Naakyat ko Makulot, Pulag Matutum, Pinatubo   Mt. Apo

3.  Then nag 4x4 ako laro sports ng mayayaman. At nahilig sa mga sasakyan din

4.  Paano naman nagulo ka sa biking?

     Noong 2015, member na ako ng media (medyabetes) , ni rayuma ako at hindi ako makalakad.   Ikinosulta (siyempre libre) sa estudyanteng MD sa MBAH 
     si Dr. Edmund Martinez  head  ng PT ng San Juan De Dios hospital.  AT ang payo niya ay bumii ng bisikleta.  So bumili ako ng mountain bike   
     na may halagang P2,000.  Sa loob ng 2 linggo nawala rayuma ko at bumababa na blood sugar ko cholesterol at siymepre uric acid.  

     Ang bisiketa pala hindi biro ay GAMOT

     Simula nalulong na ako sa biking.  Dumami na bike ko (5 lahat 2 mountain bike, at 3 road bike) .  May halaga din inabot

     Nakaabot ako at ang  tropa (may Recyclists sa:
    1.  Baguio 8 times
    2.  Vigan pinakamalayo sa Norte
    3.   SAn Felipe, walalng swag vehicle
    4.  Real Quezon
    5. Laguna Loop,
    6.  Bosoboso Sierra Madre 
    7..  Jariel Peak Infanta
    8   Lucban Quezon
    9. Majayjay Laguna
   10.  Bitukang Manok Atimonan  
   11.   Padre Burgos Quezon
   12.  Calauag Quezon


Noong day 1 ay mali ang naituro ng yours truly kung saan ang kamay ni Hesus sa Lukban at napunta ng Tayabas, kaya bumalik ng ahon ng 
6 na km.  Ang pag ahon sa Bitukang Manok sa Padre Burgos Atimonan ay inabot ng napakalakas na ulan kulog at kidlat Mabuti tumigil ang ulan
at nakasalunga rin

Day 2 ang challenging kasi lalagpas ako sa self imposed mindset of impossibility na hanggang Calauag lang ako. (2 attempts na)
Tama lang dahil isang tambak na salunga mula Calauag at Tagkawayan.   Grabe
Then salunga pa sa Ragay at Sipocot  Subalit hindi ako nagtulak o tumukod  Bunga rin siguro ito ng mahabang ensayo na umaabot sa 150 km
Kadalasan ay 80 - 100 km ang padyak.  Nababatak ko pa ang mas bata sa aking riders

Day 3 Mula Naga hanggang Daraga.    Hataw ang takbo ko sa Pili hanggang Camalig at nilalagpasan ang kasamahan.  Suballit nanghina ako
nang makita ko ang Mt Mayon.  (Akala ko iyon na) at naubusan pa ng tubig Nahulog ang water bottle subalit narecover naman  20 km pa pala
Subalit ang pag ayaw ay wala sa vocabularyo.  Tiyaga at determinasyo ng nanaig  Hindi aayaw hindi bibitaw

Kung titingnan mo 2d map ng waze at Googe maps hindi mo makikita ang mga salunga lalo na sa Lopez, Calauag, Tagkawayan, Ragay at Sipocot.  Oh
pati sa Guinobatan.  Kaya pala bihira vlog sa Bicol, kasi parusa.   

Ang pag sasanay ay pinipilit ko lalo na at senior  Ang payo ay isagad mo paminsan minsan ang lakas mo para lumakas at lumusog ka.  Tama sila

Huwag laging nakahiga o nakauposa rocking chair hinihintay ang pagtigil ng paghinga Dapat ang pag eensayo ay hindi mo iisipin na senior ka. 

Dapat 100% para mawala ang Alzheimer, at pagutong ng buto.   Bukod sa biking, nag free weight exercise ako:   crunch, push up, rubber bands, some
weights.  Hindi mo dapat babyehin katawan at pagtanda. 

Kaya ito nag extreme bike ako   400 km.   Beyond imagination ko at lagpas sa limit   Naka 150 out and back ang kung 3 araw kayang2 ito 100+ 

Kaya eto buong lakas ng loob na sumama ako.  At nakaya pa.  ang mga salunga, ang mga sprint at Hard Interval Training
Ito ay isang opinyon po lang:

    Maaaring nagawa mo na ang mga ganito:
    1.  Napagpagawa ng mansion bilang bahay
    2  May mga SUV at European luxury cars
    3.  Nanguna sa pag aaral
    4.  May naitayong maraming malaking negosyo
    5.  Isang sikat na tao (pulitiko o artista)
    
   SUBALIT hindi kayang gawin ang nagawa namin noong Nobyembre 3,4, 5, ie ang maglakbak ng 400 km sa sariling padyak. sa idad na 71.  Maraming kaidad ay kinain na ng mga bulati o kasalukuyang nagdurusa sa sakit o dami ng maintenance meds.   





Tayo ay yayao subalit hindi ngayon o bukas, Kailangan maging malakas malusog at maging maligaya.  Gaya nito proud na proud ang cycling club
ko.  Bihira ang Bikol ride veterans sapagkat ang dahanng bikol at matarik at mapangsubok

Ano ginagawa mo para buhay ang "Mens sana en corpora sano..Matinong pag iisip sa malusog na pangangatawan'Isa sa magaling na natutunan iyan 50 years ago