Pages

Friday, July 27, 2018

Listening to the unusual sounds of your bike so that you can tune it 100% in tip top condition

Wheels of Happiness

Rizal Philippines
July 27, 2018









                                              Kumikiyakis ang kadena sa chain catcher




                                            Lumuwag ang cogs (sprocket)




Nakasingit ako ng bike today maski kulimlim.  Mukhang umulan na from Tayuman to Binangonan.  Balak ko tumuloy sa Morong pero tumigil na ako sa Mambog dahil sa unusual sound at functioning ng F10 na tinest drive ko dahil bago wheelset nito:

1.  May sound ng kumikiyakis na hindi nawawala maski ibuka preno iadjust ibang piyesa

2.  May kumakalampag sa likod pag nalulubak ang bike

3. Ayaw magshift sa big ring pag ikinambyo left STI

Nang makarating sa bahay, tiningnan ang puwedeng maging diprensiya.

Sa #1, dumikit ang chain catcher sa kadena

Sa #2, lumuwag ang pagkakahigpit ng nut ng cogs...Nangyari na sa akin iyon sa S works

Sa #3, lumuwag din ang kable na nakakabit sa FD.

So ang gagawin lang iadjust ang chain catcher, Hinigpitan ang cogs at kable.  Now everything A OK

Sabi ito ng mekaniko na after assembly huwag umasa na 100% na perfect ito.  Ang mga piyesa at cable ay mag aadjust ng tension at kailangan i re adjust.  Kaya hindi dapat kampante pag bagong assemble ang bike. May maaaring lumuwag or kailangang iadjust









No comments:

Post a Comment