Rizal Philippines
July 23, 2018
Akala ko kahapon katapusan ko matapos banggain ng red Hyundai Eon MU 2041 sa may tapat ng sabungan sa pag asa mga 10:30 am kahapon. Kalalagpas ko lang ng traffic light intersection sa may shell
Walang kasalubong at wala akong napansing kasunod (kasi nga malakas ang ulan) Then all of the sudden, sinuyod ako sa left ng isang red Eon. Instinctively inilean ko sa kotse handle bar ko maiwasang magulungan. Buti na lang inilayo niya. Akala ko tapos na ako. Baka may baril kagaya ni Von Tanto sa Quiapo na tinadtad ng bala si Mark Vincent Geralde na noon ay dala MTB (naka MTB din ako. Nag antenna ako sa SCH 3x)
Naka Red Eon din siya MO 3745. Naku parehas na M simula ng conduction sticker
Ipinagtataka ko puwede akong iwasan ng mamang baliw walang kasalubong at walang trapik. Inis galit lang siguro sa siklista. Gusto akong leksiyunan. Eh ganyan ang utak ng biglang nakabili ng kotse sa halagang P2k na dp. Kala mo hari na ng kalsada...
Talagang road rage. Walang regrets o remorse ang driver. Siya galit at nagmumura gayong nakabangga na siya... You meet the baddest people on an Eon???
Ang brand by ng kotseng ito ay kotse ng mga masungit/galit sa siklista. Huwag na kayong bibili ng kotseng ganito baka kayo maging Von Tanto din... O mag ingat kayo sa mga ganung brand na kotse na masasalubong o makakasabay.
2nd time na akong binunggo ng Hyundai: first ng Tucson sa Pag asa rin sa may barrio road at ngayon Eon
More panalangin ingat kailangan...
No comments:
Post a Comment